Manila, Philippines – Nanatili sa hospital ang ilang biktima ng sumabog na tangke ng tubig sa Barangay Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan.
Sa interview ng RMN kay SJDMB Public Information Officer Roland Soriano, sinabi nitong nakalabas na lahat sa pagamutan ang mga nagtamo ng minor injury at ilan pasyente nalang na may serious injury ang naiwan.
Ayon kay Soriano, hindi pa rin nila natutukoy ang dahilan ng pagsabog ng water tank kung saan apat ang namatay at higit sa apatnapu ang sugatan.
Anya, bubuo na ng investigating task force ng lokal na pamahalaan para mag-imbestiga at hindi na maulit ang nasabing trahedya.
Bukod dito, pag-aaralan din kung papaano nila mare-regulate ang pagtatayo ng water tank sa mga residential area.
Ang nasabing tangke ay nagsu-suplay ng tubig sa buong barangay ng Muzon.