Manila, Philippines – May good lead na ngayon ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagpatay kay General Tinio Mayor Ferdinand Bote.
Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.
Pero ayaw na munang ihayag ni Albayalde ang lead na ito upang hindi maapektuhan kanilang ang imbestigasyon.
Sa lead aniya na ito ay may posibilidad na maaresto na rin ang suspek sa pagpatay sa alkalde.
Inalis na rin ng PNP ang motibong pulitika sa pagpatay sa alkalde dahil hindi ito lumalabas sa kanilang imbestigasyon.
Si General Tinio Mayor Bote ay pinagbabaril ng mga nakamotorisklo habang sakay ng kanyang sasakyan sa Cabanatuan City Nueva Ecija noong July 3.
Facebook Comments