UPDATE | Isa sa 3 bata na nahulog sa Tullahan River, nakita na

341

Valenzuela City – Nahanap na ang isa sa tatlong bata na nahulog at inanod ng malakas na agos ng Tullahan River sa Valenzuela City.

Bangkay na nang makita ang biktimang si Jillian Salud, 10 taong gulang, pasado alas-2 kaninang madaling araw.


Nagpapatuloy namang pinaghahanap ang 13-anyos na si Rheniel Tejadilla at kaniyang 10-anyos na kapatid na si Kerby Tejadilla.

Tumulong na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) sa rescue team sa paghahanap sa dalawang bata.

Nakikipag-ugnayan na rin ang mga awtoridad sa Valenzuela sa mga opisyal sa Navotas at Malabon sakaling inanod doon ang mga bata.

Ayon sa rescue team, hindi na sila umaasang makikita pa nang buhay ang mga bata lalo at higit isang araw na nilang ginagalugad ang Tullahan River.

Sa impormasyong nakuha ng rescue team, magkakasama ang tatlo, kasama ang dalawa pang bata, para maglaro ng basketbol pero nahulog ang bola sa ilog na pilit kinuha ng mga bata dahilan para mahatak sila ng malakas na agos ng tubig at tuluyan silang tangayin.




Facebook Comments