UPDATE: Kennon Road, Hindi pa Pwede!

Baguio City, Philippines – Nagpaliwanag ang Department of Public Works & Highways o DPWH sa isinagawang hearing ng Konseho patungkol sa muling pagbubukas ng Kennon Road sa darating na Panagbenga Festival.

Base sa DPWH ay hindi parin maaring buksan ang Kennon Road sa publiko para na rin sa kaligtasan ng mga motorista. 

Dagdag pa ng DPWH ay marami pa ang hindi nagagawang o hindi natatapos na kalsada dahil sa hindi pa dumadating ang budget na kinakailangan para maisaayos ang mga natambak na gawain o kaya naman ay hinihintay pa ang mg materyales mula sa ibang bansa para matapos ang mga sirang kalsada na sinira ng mga nakaraang Bagyo na tumama sa Cordillera Administrative Region. 


iDOL, mukhang matatagalan pa bago mabuksan ang Kennon!

Facebook Comments