Manila, Philippines – Namatay na ang isang lady traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nasagasaan ng isang armored van sa Quezon City.
Hindi na naisalba pa ang buhay ng biktimang si Traffic Constable III Marical Gammad habang ginagamot ito sa East Avenue Medical Center.
Matatandaan na naganap ang insidente sa Edsa-Cubao northbound pasado alas-10:00 ng umaga kung saan nasagasaan ito ng armored van na minamaneho ni Dennis Ellaraiz.
Alas-9:32 ng gabi nang ideklarang patay si Gammad habang hawak na ng mga otoridad ang nasabing driver ng armored van.
Facebook Comments