UPDATE | Lalaki, naputulan ng braso matapos magkasagian ang 2 bus

Patuloy na ginagamot sa East Avenue Medical Center ang isang lalaki matapos na maputulan ng braso nang magkagitgitan ang dalawang bus.

Ayon sa impormasyon mula sa Quezon City Traffic Division nangyari ang insidente sa bahagi ng Kamuning, EDSA sa southbound.

Kuwento ng driver ng bus kung saan doon nakasakay ang pasahero, nakatulog daw ito sa biyahe at nakalawit ang kamay sa labas ng bus.


Hanggang sa magkagitgitan niya ang isa pang bus kaya at naputol ang braso nito.

Facebook Comments