UPDATE | Magpinsan na menor de edad na sakay ng motorsiklo sumemplang sa Maynila

Manila, Philippines – Ligtas na sa panganib sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang magpinsan na pawang menor de edad matapos magtamo ng malubhang pinsala sa ulo at katawan nang sumemplang sa Moriones Street Tondo Manila.

Ayon kay Linen Orola Jr., barangay tanod sa lugar, ang magpinsan na nagtamo ng galos sa katawan at ulo ay pawang may edad na 14 at 16 anyos kung saan walang suot na helmet at wala ring lisensiya ang 14-anyos na nagmamaneho ng motorsiklo at mabilis ang takbo ng motorsiklo kaya sumemplang ang dalawa na tumilapon ng ilang metro ang layo.

Payo ng MPD Traffic Enforcement Unit sa mga nagmamaneho ng motorsiklo na mag-ingat sa kanilang pagmamaneho at tiyakin na mayroong suot na helmet at lisensiya.


Nakauwi na rin ang magpinsan matapos malapatan ng kaukulang lunas ng mga manggagamot.

Facebook Comments