UPDATE | Mahigit 120 taong sakay ng nasunog na barko sa Cebu, ligtas na

Cebu – Nasa maayos ng kalagayan ang 124 na taong sakay ng nasunog na passenger vessel sa Cebu.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commander Armand Balilo, nagsimula ang apoy sa lite ferries habang nasa laot pa ito at palapit na sana sa Cebu.

Nabatid na nanggaling sa Tagbilaran City, Bohol ang nasabing passenger vessel.


Sa ngayon ay patuloy pa rin aniyang iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.

Facebook Comments