Update Marawi Clash: Limang miyembro ng Maute nasawi sa sagupaan kagabi sa Marawi war zone

220

Manila, Philippines – Umaabot na ngayon sa isang daan at tatlumpu’t anim na sundalo ang nasawi sa sagupaan sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla huling nadagdag sa mga sundalong killed in action ay ang tatlong mga nasawi kagabi.

Sinabi ni Padilla na ang pagkakasawi ng tatlong sundalo ay resulta ng buong araw na opensiba ng militar kahapon disperas ng Eidl Adha.


Sa panig naman ng mga kalaban umaabot na sa anim na raan at dalawampu ang nasasawi kasama ang napatay kagabi na limang terorista.

Kaugnay nito mensahe naman ni Gen. Padilla sa mga kapatid na Muslim ngayong Eidl Adha na makakaasa silang nagsusumikap ang AFP na mabawi ang Marawi at maibalik sa mga Maranao.

Facebook Comments