UPDATE | Mga gustong humabol sa paghahain ng COC, dagsa pa rin sa Comelec QC

Manila, Philippines – Marami pa rin ang humahabol sa huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy sa Quezon City COMELEC para sa Barangay at SK Election sa Mayo 14.

Pero kumpara noong Abril 18 at kahapon Abril 19, mas mababa na ang bilang ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan candidates ang dumagsa ngayong umaga.

Mula noong pasimulan ang filing ng Certificate of Candidacy noong Abril 14 hanggang kahapon abot na sa 3,076 ang total number ng COC ang naihain sa COMELEC mula sa anim na distrito sa kabuuang 142 barangay.


Pinakamaraming naghain ng kandidatura ay mula sa District 4 na mayroong 38 barangaykabuuang 758 ang nagfile ng COCs para sa position ng barangay chairman at kagawad habang 369 naman sa Sangguniang Kabataan (SK).

Batay sa COMELEC ang mga gagamiting voting centers sa araw ng eleksyon ay mga covered court, public school at club houses sa mga subdivision.

Paglilinaw ng COMELEC wala nang extension ng filing ng COCs pagkatapos ng deadline ngayong araw.

Sa Mayo 4 hanggang 12 na ang simula ng campaign period ng mga kandidato.

Facebook Comments