UPDATE | Mga nasawi sa California wild fire nasa 77 na; Mga nawawala halos 1,000 na

Kahit sampung araw nang nagliliyab ang pinakamalaking wild fire sa kasaysayan ng California, mahihirapan pa rin ang mga firefighter na tuluyang maapula ang apoy.

Ayon sa mga otoridad wala pa silang nakikita na mga senyales na babagal ang pagragasa ng Camp Fire na tumupok na sa mahigit 9,700 na mga bahay at 150,000 acres o lugar na kasing-laki na ng Chicago.

Sa tantiya rin ng mga ito posibleng sa Nobyembre a-30 pa nila makokontrol ang wild fire.


Umakyat na sa 77 ang kumpirmadong nasawi sa sunog na nagsimula sa Butte County.

Nasa 993 naman ang naiulat na nawawala at hindi pa matiyak kung ano na ang sinapit ng mga ito.

Facebook Comments