UPDATE | Mga nawawala matapos manalasa ang bagyong Ompong, 64 indibidwal pa – PNP

Animnapu’t apat na indibidwal pa ang nawawala at ngayon ay patuloy na pinaghahanap matapos na manalasa ang bagyong Ompong.

Ito ay batay sa ulat ng national operation center ng Philippine National Police (PNP).

Animnapu sa mga nawawala pa ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), 2 sa Region 1 at 2 rin sa National Capital Region (NCR).


Nadagdagan rin ang bilang ng mga nasawi na umabot na sa 88 indibdiwal.

Karamihan rin sa mga nasawi ay naitala sa CAR.

70 indibidwal naman ang naitatala nang sugatan.

Batay pa sa pinakahuling ulat ng PNP, 12,189 evacuees ang naitala sa REGIONS 1,2,3,7 at CAR.

Sa ngayon patuloy na binibigyan ayuda ng pamahalaan ang mga apektadong pamilya.

Facebook Comments