UPDATE | Namatay dahil sa bagyong Vinta, umabot na sa 164 – mga pamilyang apektado mahigit 20-libo – NDRRMC

Manila, Philippines – Umaabot na sa isang daan at animnapu’t apat (164) na indibidwal ang nasawi matapos manalasa ang bagyong Vinta sa bansa.

Ito ay batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan Isang daan at pitongput isa naman ang nawawala pa rin at ngayon ay patuloy na pinaghahanap.


Kaugnay nito, umakyat na sa mahigit 20 libong pamilya ang naging apektado ng pananalasa ng bagyong Vinta.

Nanatili ngayon ang mga ito sa 261 evacuation centers na inaayudahan naman ng DSWD.

Habang mahigit labing-anim na libong (16,000) katao rin ang nakituloy sa kanilang mga kamag-anak matapos lumikas.

Sa kabila naman na humupa na ang ulan ay nanatili namang baha ang ilan sa mga lugar ng Zamboanga Del Norte, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay at ilang lugar sa ARMM.

Pinaka-apektado naman ang lalawigan ng Zamboanga Del Norte, Lanao Del Norte, Lanao Del Sur at Palawan kung saan huling namataan ang bagyong Vinta.

Facebook Comments