UPDATE | Nawawalang dalagita na si Ica Policarpio, natagpuan na

Manila, Philippines – Natagpuang ligtas ang 17-taong gulang na dalagita na nitong Huwebes (Dec. 21) pa nawawala.

Ito ang kinumpirma ni PNP Deputy Director General Ramon Apolinario, sa report ng San Pablo Laguna police natagpuan si Patricia ‘Ica’ Policarpio.

Huling nakita si Policarpio sa isang coffee shop sa loob ng mall sa east service road sa Sucat, Muntinlupa.


Magsasagawa ng press briefing ang PNP mamayang alas-11:30 ng umaga.

Facebook Comments