Manila, Philippines – Inobliga ni Judge Silvino Pampilo ng Manila Regional Trial Branch 26 ang National Bureau of Investigation na iharap sa kanyang sala ang drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.
Una rito ay hindi iniharap ng NBI si Espinosa sa pagsisimula sa pagdinig ng kaso, kundi isang sulat kamay ni Espinosa ang iprinesenta ng mga NBI agent na nagsasabing hindi siya makararating paglilitis dahil sa pangamba sa kanyang buhay at kawalan ng abogado.
Gayunman, hindi pumayag si Judge Pampilo at ipinasundo sa NBI si Espinosa kaya bago magtapos ang pagdinig ay dumating ang akusado.
Binalaan din ni Judge Pampilo ang NBI na kung hindi dadalhin si Espinosa ay kanyang isa-cite for contempt.
Kaugnay nito ay binigyan ng tatlo hanggang 5 araw ni Judge Pampilo si Espinosa upang humanap ng abogado.