UPDATE | NBI, walang nakikitang pattern sa pagpatay sa 3 local officials

Manila, Philippines – Walang nakitang kaugnayan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa serye ng pagpatay sa mga local officials sa sinasabing destabilization plot laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Menardo Guevarra, hindi nakitaan ng NBI ng koneksyon ang pagkakapatay kina Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili, General Tino, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote at vice mayor ng Trece Marites, Cavite na si Alexander Lubigan.

Ibig sabihin, walang pattern sa pagpatay sa mga local officials.


Ang preliminary findings ng NBI ay sumusuporta sa resulta ng hiwalay na imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP).

Facebook Comments