UPDATE | Paghihiganti, tinitignang motibo sa pananambang sa 5 PDEA agent

Paghihiganti ang anggulong tinitignan ngayon ng PDEA sa pag-ambush sa limang agents nila sa Barangay Malna, Kapai, Lanao del Sur.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, posibleng ang mga drug group na naging subject ng PDEA ang nagsagawa ng pananambang sa mga agents dahil na rin sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Sa ngayon, tatlong drug group ang tinukoy ni Aquino na kanila umanong mino-monitor sa Lanao del Sur na maaaring may kagagawan sa pagpatay sa mga miyembro ng PDEA sa rehiyon.


Magiging subject din umano sa imbestigasyon ang hindi pagresponde ng mga pulis sa lugar.

Bago naganap ang insidente ay nasa likod pa ng sinasakyan ng mga PDEA agent ang mobile ng pulis.

Pero noong nag-overtake ang PNP mobile at naganap ang insidente ay wala man lang tumulong na mga kasapi ng PNP sa PDEA agents.

Nasa pito hanggang sa walo ang nanambang sa mga agents noong pauwi ang mga ito sa Marawi City.

Sa spot report mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) PNP, kinilala ang mga PDEA members na sina Kenneth Tabulo, Kristine Mae Torlao, Lores Joy Amar, Binzo Dipolla at Diobel Pacinio.

Facebook Comments