UPDATE | Pagpapadala ng tulong sa Sulawesi at Palu sa Indonesia pahirapan pa rin; Death Toll sa trahedya tataas pa

Dalawang araw matapos salantahin ng lindol at tsunami, pahirapan pa rin makapasok sa Sulawesi at Palu ang mga tulong para sa mga naging biktima ng trahedya.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin magamit ang airport sa isla dahil nasira ito sa lindol. Marami ring mga kalsada at tulay ang nasira.

Kaya hindi agad maipasok sa mga lugar ang mga gamot, tubig, pagkain, mga mobile kitchen, surgical team, mobile clinics at mga heavy equipment na puwedeng magamit para mahukay ang mga natabunan.


Lumagpas na sa walong daan ang kumpirmadong nasawi pero pinangangambahan na tataas pa ang bilang na ito dahil marami pa ang nawawala at posibleng natabunan ng mga gumuhong mga gusali.

Sa tantiya ng Indonesian Disaster Management Agency, mahigit 2.4 milyong katao ang apektado dahil sa lindol at tsunami.

Facebook Comments