California – Umabot na sa 74 ang patay habang mahigit 1,000 ang nawawala sa nagpapatuloy na wildfire sa California.
Pero paglilinaw ni Butte County Sheriff Kory Honea, posibleng may mga nadoble sa naturang bilang.
Sa ulat ng California Department of Forestry and Fire Protection, umaabot na sa 57,000 hectares ng lupain ang apektado ng sunog.
Sa ngayon nasa 12,000 na bahay at establisimento ang nasunog.
Pahirapan pa rin ang pagkilala sa mga sunog na bangkay.
Facebook Comments