UPDATE | Pila sa mga MRT-3 stations, nabawasan na

Nabawasan na ang mahabang pila sa mga istasyon ng MRT-3 dulot ng naantalang biyahe dahil sa aksidenteng nagbungguan ang dalawang unimogs o maintenance service vehicles sa pagitan ng Buendia at Guadalupe stations habang nagsasagawa ng maintenance service sa power system at sa linya ng tren.

As of 7:45 A.M, wala na ang mahabang pila sa North Avenue Station at Cubao Station.

Sa Quezon Avenue Station, abot na lamang sa 40 katao ang nakapila sa street level.


7:30 A.M nang bumalik na sa normal ang operasyon ng MRT 3.

Nakatulong ang pagpapadala ng I-ACT ng mga bus sa mga MRT stations gayundin ang bus augmentation mula sa mga provincial bus operators na sumalo sa mga napondong pasahero.

Sa kasalukuyan, nasa labinglimang tren na ang napapakinabangan na may 7 minutes headway.

Facebook Comments