UPDATE | PNP Board of Inquiry, wala pa ring findings sa nangyaring Samar misencounter

Manila, Philippines – Wala pa ring findings ang binuong Board of Inquiry (BOI) na nag-iimbestiga sa nangyaring misencounter sa pagitan ng mga pulis at sundalo sa Samar na ikinamatay ng anim na pulis.

Pero tiniyak ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde sa publiko na reresolbahin nila ang kaso katuwang ang militar.

Bago aniyang sabihin na criminally liable ang mga sundalong sangkot sa insidente ay dapat antayin ang BOI findings.


Matatandaang dapat nitong nakaraang linggo sana ilalabas ang resulta ng imbestigasyon subalit ang resulta ng forensics sa mga cellphones na ginamit noong koordinasyon maging ang pahayag ng ilang military local commanders ang nagpapatagal sa pagsasapinal ng resulta.

Facebook Comments