UPDATE | PNP may 4 na anggulo sa motibo sa pagpatay sa 9 na magsasaka sa Negros Occidental

May apat na anggulong tinitingnan ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa pagpatay sa syam na magsasaka sa Sagay Negros Occidental.

Ayon kay Western Visayas Regional Director, Police Chief Supt. John Bulalacao ang unang anggulong tinitingnan nila ay posibleng may-ari ng hacienda ang nagpapatay sa mga magsasaka sa gumamit ng goons.

Pangalawa, posibleng pinapatay ng iba pang claimants ng lupain sa lugar ang mga magsasaka.


At pangatlo ay iniimbestigahan rin nila ang pagkakasangkot ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Dahil ayon kay General Bulalacao mayroong 40 mga legitimate workers sa hacienda na ang iba ay may koneksyon sa CPP-NPA.

Pang-apat ay iniimbestigahan rin ang pagkakasangkot ng CAFGU sa pagpatay sa mga magsasaka dahil taong 2015 aniya ay nagkaroon ng sigalot ang mga CAFGU malapit sa area laban sa mga magsasaka.

Sinabi pa ni Bulalacao na mayroon na silang tatlong persons of interest dalawa rito ay isinailaim na sa paraffin test matapos makuhaan ng baril pagkatapos ng pamamaril.

Isa rin daw sa mga bumaril ay nakilala na ito ay residente rin ng Barangay Bulanon Sagay City.

Sa ngayon aniya nagpapatuloy ang kanilang imbestigayson upang matukoy kung saan sa apat na anggulo ang totoong nangyari.

Facebook Comments