UPDATE | PNP, may lead na sa nangyaring GenSan bombing

May lead na ang General Santos City Police Office sa nangyaring pagsabog kahapon sa Barangay Apopong na ikinasugat ng walong indibidwal.

Sa interview ng RMN DZXL Manila sinabi ni GenSan City Police Office Director Senior Superintendent Raul Supiter na may facial composite sketch na sila ng suspek at maganda ang hawak nilang detalye hinggil sa posibleng motibo ng pagpapasabog.

Aniya, malabong act of terrorism ang nangyari dahil hindi naman ito nangyari sa mataong lugar.


Sa ngayon, anggulong personal na alitan sa pagitan ng suspek at may-ari ng isang establisyimento sa lugar ang kanilang tinitingnan.

Samantala, kasunod ng pagtataas sa alert level 4 pinaigting na rin ng pulisya ang pagbabantay sa ilang bahagi ng GenSan kung saan mahina ang seguridad.

Anumang araw ngayong linggo, inaasahang makapaglalabas na ng resulta ng kanilang imbestigasyon ang GenSan PNP.

Facebook Comments