Maguindanao – May lead na ang kapulisan ng Parang Municipal Police Station sa posibleng mga suspek na responsable sa pamumugot sa 2 magsasaka sa bayan ng Parang Maguindanao.
Sinabi ni Police Superintendent Ibrahim Jambiran, hepe ng Parang PNP naging lead nila ang lugar kung saan natagpuan ang ulo ng mga biktima, kaugnay nito, mag-uusap ang mga otoridad at ang mga lokal na pamahalaan ng Parang at Barira upang magkatulungan sa pagresolba sa krimen.
Ayon pa kay Police Superintendent Jambiran, may mga indibidwal na ring lumalapit sa kanila upang magbigay ng salaysay kaugnay ng krimen.
Napag-alaman na Biyernes ng gabi nang paslangin sa pamamagitan ng pagpugot ang mga biktimang sina Ceasar Deamada Fermin at Jabon Bistas habang binabantayan ang mga pinapatuyong kopra sa bahagi ng Barangay Gumagadong- Calawag Parang Maguindanao.