Update: Pulisya, May Ibang Nakitang Dahilan sa Pagkamatay ng Binatilyong Anak ng Pulis!

1515

*Cauayan City, Isabela- *Bukod sa pagkaaksidente ng dalawang binatilyo na ikinasawi ng isa ay mayroon pang iba na nakitang dahilan ang pulisya sa pagkamatay ng 16 anyos na binatilyo na anak ng isang pulis na nakatalaga sa Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCapt Merwin Villanueva, OIC ng PNP Quezon, sinabi niya na unang bumangga sa poste ng ISELCO ang dalawang sakay ng Yamaha Sniper 150 na walang plaka na sina Daniel Jacob Baculyo, 17 anyos, studyante, residente ng Brgy. Samonte, Quezon, Isabela at Jarvis Raul Abrehena, 16 anyos, residente naman ng Brgy Barucboc, Quezon, Isabela.


Lumabas aniya sa kanilang follow-up investigation na matapos tumilapon sa daan ang dalawang sakay ng motorsiklo ay nagulungan si Abrehena ng paparating na Mitsubishi Lancer na may plakang ZNH 200 na minamaneho ni Karen Masalay, 27 anyos at taga Pudtol, Apayao.

Kaugnay nito, bumangga rin aniya ang kotse sa railings ng kalsada na nagresulta naman sa pagkakasunog nito.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang drayber ng sasakyan at inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso na isasampa laban kay Masalay.

Facebook Comments