UPDATE | Resulta ng imbestigasyon ng PNP kaugnay ng pagpatay sa abogado ng Sagay workers, hinihintay ng NBI

Manila, Philippines – Hihintayin ng NBI na magpalabas ang PNP ng resulta ng kanilang imbestigasyon sa pamamaslang kay Atty. Benjamin Ramos ng NUPL o National Union of Peoples Lawyers bago simulan ang kanilang sariling imbestigasyon.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang gagawing parallel investigation ng NBI ay nakadepende magiging resulta ng imbestigasyon ng PNP.

Isa sa mga anggulong sinisilip ng mga imbestigador ay ang hinggil sa paghawak ni Atty. Ramos sa kaso ng pagmasaker sa siyam na magsasaka ng Negros Federation of Sugar Workers sa Hacienda Nene sa Sagay, Negros Occidental.


Nabatid na si Atty.Ramos ang abogado ng pamilya ng mga biktima ng masaker.

Facebook Comments