UPDATE | Sunog sa Gagalangin, Tondo Manila

Manila, Philippines – Labing isang oras nang inaapula ng mga myembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa Gagalangin, Tondo.

Partikular na nasusunog ang limang palapag na pagawaan ng damit na nasa kanto ng Bulacan at Juan Luna Street sa Gagalangin.

Batay sa incident report ng BFP, nagsimula ang sunog ala siyete beinte nuwebe kagabi at ito ay itinaas na sa ikatlong alarma.


Hanggang ngayon ay hindi pa idinedeklarang fire under control ang sunog, nananatili pa rin sa third alarm dahil combustible material o pawang mga tela ang nasusunog.

Nadamay lamang ang gusali sa katabing bahay na pinagmulan talaga ng sunog.

Kagabi pa ay nagawa nang maapula ang sunog sa bahay na pinagmulan ng apoy.

Umaabot na sa 500 libong piso ang halaga ng pinsala sa mga ari arian.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.

Facebook Comments