UPDATE | Sunog sa Sta. Cruz, Maynila

Manila, Philippines – Mahigit isang milyong piso ang naabo sa sunog na sumiklab sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa ika-anim na palapag na bahay kung saan mabilis na kumalat ang apoy at itinaas ito sa Task Force Bravo.

Agad nadamay ang mga bahay na gawa sa light materials na nasa bahagi ng Oroqueta at Lope de Vega Street.


Aabot sa 500 pamilya ang naapektuhan habang anim ang naitalang sugatan sa insidente.

Facebook Comments