UPDATE | Suspek na umano’y may partisipasyon sa pagsabog sa Lamitan, naaresto ng militar

Lamitan, Basilan – Isang Ustadz ang naaresto kahapon sa operasyon na isinagawa ng 7th scout ranger company, sa kabila ng pagpapatuloy na imbestigasyon sa explosion sa detachment ng militar sa Sitio Magwakit Barangay Bulanting sa lungsod ng Lamitan sa lalawigan ng Basilan.

Kinilala ni Colonel Montano Almodobar ang commander ng Scout Ranger Battalion Company ang suspek na si Ustadz Jainul Indalim y Malianim alyas Abdulgani 58 taong gulang at nakatira sa Timbakan Barangay Maganda sa Lamitan.

Sinabi ni Almodobar isang granada ang nakuha sa possession ng Ustadz at may partisipasyon umano ito sa pagpapasabog ng van noong Martes ng umaga na ikinamatay ng sampung katao habang walo ang sugatan.


Sinabi pa ng opisyal marami silang natatanggap na mga impormasyon na ang nasabing Ustadz ay siyang sumusundo sa mga estranghero pag dumadating sa Basilan.

Nakakulong ngayon sa Lamitan City Police Office ang Ustadz habang sa recommendation naman ng pulisya at militar at nakasaad sa kanilang affidavit ang pagsasampa ng kaso sa korte laban sa Ustadz kabilang ang multiple murder, multiple physical injury, violation ng Republic Act 9516 o illegal possession of explosive .

Ayaw naman magbigay ng pahayag ang Basilan Ulama Council sa pag-aresto sa nasabing Ustadz.

Facebook Comments