Update: Suspek sa Pagpatay kay Kristin Diego ng Roxas, Isabela, Nakauwi na sa bansa!

Cauayan City, Isabela – Nakauwi na kahapon dito sa bansa si Vina Rose Santiago mula sa Riyadh, Saudi Arabia na pangunahing suspek sa pagpatay kay Kristin Diego ng Roxas, Isabela.

Ito ang kinumpirma ni NBI Isabela Provincial Director Timoteo Rejano sa panayam sa kanya ng 98.5 Mhz RMN Cauayan sa programang Straight to the Point.

Aniya, pagkadating kahapon ni Santiago sa bansa ay itinimbre muna siya sa Bureau of Immigration bago itinurn -over sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) NAIA Airport para sa booking at kanyang identification.


Agad rin namang sinundo ng kanyang abogado kahapon sa tanggapan ng NBI sa mismong NAIA Airport.

Magugunita na nangyari ang pananaksak kay Kristin Diego noong Pebrero 28 isang araw matapos nagtagpo sa Aloja Hotel sa Burgos Isabela sina Darius Diego, asawa ni Kristin at ang suspek na si Vina Rose Santiago na kalaguyo umano ni Darius.

Kinumpirma rin ni PD Rejano na hindi ang asawa ng biktima na si Darius Diego ang nahagip sa CCTV Footage kundi ibang lalake na empleyado umano ng katabing opisina nila Kristin Diego.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente na target resolbahin sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments