UPDATE | Suspek sa pamamaril sa isang Synagogue sa Pittsburgh nais mamatay ang lahat ng mga Hudyo

84

Hanggang sa ngayon ay nagluluksa pa rin ang American Jewish community sa nangyaring pamamaril at pagpatay ng mga Hudyo ng isang white supremacist sa tree of life synagogue sa Pittsburgh, Pennsylvania.

Labing isang Hudyo ang pinatay ni Robert Bowers habang nagdarasal ang mga ito. Anim pa ang sugatan— dalawang pulis, dalawang miyembro ng swat at dalawang iba pa—sa pamamaril na itinuturing na pinakamalalang pag-atake sa mga Hudyo sa Amerika.

Sa report ng mga otoridad, habang ginagamot ang suspek pagkatapos makipagbarilan sa mga pulis, ay sinasabi nitong nais niyang mamatay ang lahat ng mga Hudyo sa mundo.

Hindi lang nito alam na ang medical staff na unang naglapat sa kaniya ng first aid ay mga Hudyo.

Mahaharap sa 29 federal charges si Bowers at posibleng parusang kamatayan dahil sa ginawa nito.

Facebook Comments