UPDATE | Tanauan Mayor Antonio Halili patay sa pamamaril sa Tanauan City

Tanauan City – Dead on arrival sa CP Reyes Medical Center sa Tanauan City Batangas si Tanauan City Mayor Antonio Halili matapos pagbabarilin sa New City Hall Barangay Natatas Tanauan City kaninang umaga.

Ayon kay PNP CALABARZON Regional Director Police Chief Superintendent Edwin Carranza alas-8:10 ng umaga kanina habang nagsasagawa ng flag raising ceremony ang mga opisyal at empleyado ng Tanauan City Hall kasama ang alkalde nang biglang pagbabarilin ang biktima.

Sa inisyal na ulat may silencer ang ginamit na baril sa pagpatay sa biktima na tumagos sa kanyang dibdib.


Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon at man hunt operation sa mga responsable sa krimen.

Si Mayor Halili ay ang Mayor sa Batangas na nagpapatupad ng walk of shame sa mga naarestong mga drug personalities.

Facebook Comments