UPDATE | Ulo ng dalawang pinugutang magsasaka sa Maguindanao, natagpuan na

Maguindanao – Natagpuan ng mga awtoridad ang mga ulo ng dalawang pinugutang magsasaka sa Barira, Maguindanao.

Sa ulat, unang nakita ang katawan ng mga biktimang sina Cesar Fermin at Jason Bistas sa isang coconut farm sa Barangay Gumagadong Calawag sa katabing bayan ng parang na wala ang ulo.

Nakita naman ang kanilang mga ulo sa liblib na bahagi ng Barangay Panggao, Barira, sa tulong ng mga barangay official, pulis at mga residente.


Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga pulis ang motibo at suspek sa krimen kung saan una nang sinabi ng mga kaanak na wala silang ideya kung bakit pinatay ang mga biktima.

Facebook Comments