Manila, Philippines – Patuloy pa ring binabantayan ng PAGASA ang bagyong Odette na huling namataan sa layong 280 kilometers west-northwest ng Dagupan City Pangasinan.
Nasa tropical storm category pa rin ang nasabing bagyo na may taglay na lakas na hanging umaabot sa 90 kilometers per hour.
Kapag patuloy na magbago ang movement ni bagyong Odette ay posible na itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility.
Sa Metro Manila, Central Luzon, MIMAROPA, CALABARZON at Western Visayas ay makakaranas ng maulap na kalangitan at patuloy na pag-ulan.
Facebook Comments