[Updated] Abogado ng PNB patay matapos pagbabarilin sa Dagupan!

911

Dagupan City – [UPDATED] Patay ang isang abogado matapos barilin sa harapan ng isang karenderya tapat ng Regional Trial Court sa Bonuan Tondaligan, Dagupan City pasado ala-9 ngayong umaga. Kinilala ang nasabing abogadong biktima na si Atty. Val Crisostomo ng Manaoag Pangasinan at legal counsel ng Peryahan ng Bayan sa lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan inabangan ng suspect ang biktima na lumabas mula sa bulwagan ng RTC kung saan dumalo ito sa hearing ng mga kasong hinahawakan nito. Ayon sa mga saksi binaril ng suspect ang biktima noong una ng apat na beses at binalikan ito at binaril muli ng makailang beses upang siguruhing patay na ito bago tumakas lulan ng motor.


Anim na tama ng bala ang tinamo ng biktima at dalawa dito ay tama sa ulo at dead on arrival na ito ng tinakbo sa ospital. Kumakain di umano ang driver ng biktima ng maganap ang pamamaril kaya mag-isa lamang ito sa lugar kung saan nangyari ang krimen. Tinukoy naman ng mga awtoridad na kalibre 45 ang ginamit sa pamamaril at nakakuha ng 8 na basyo ng mga bala ang mga ito sa crime scene.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng PNP Dagupan sa tunay na motibo sa pagpatay kay Crisostomo. Napag-alamang may hawak na kasong may kinalaman sa droga at illegal gambling ang biktima.

Facebook Comments

From Advertisers