Updated na listahan ng mga lugar sa Pilipinas na hindi na kailangan ng negatibong RT-PCR tests, alamin!

Inilabas na ng Department of Tourism (DOT) ang updated na listahan ng mga lugar sa Pilipinas na hindi na kailangan ng negatibong RT-PCR tests para sa mga turistang fully vaccinated.

Kabilang dito ang mga kilalang lugar tulad ng; Baguio, Bohol, Cebu, Clark, Subic, Boracay Island at Guimaras.

Sa halip na RT-PCR test, kailangan lamang ipakita ng mga travellers ang vaccination card na inisyu ng Department of Health (DOH) o ng kanilang Local Government Unit (LGUs).


Hanggang nitong Sabado, ang ilan pang lalawigan na tumatanggap na ng vaccination cards kapalit ng COVID-19 test ay ang Tarlac, Pampanga at Nueva Ecija.

Magsisimula naman ang pagtanggap ng turista ngayong araw ng Camiguin, Batangas, Oriental Mindoro, Masbate, Camarines Norte, Iloilo at sa November 16 naman ang Negros Occidental, Bohol, Southern Leyte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Misamis Oriental, Bulacan at Cebu Province.

Susunod na rin dito ang San Vicente, Palawan, Naga City, Camarines Sur, Baguio City, Benguet, Cebu City at Mandaue City, Clark Freeport Zone, Subic Bay Freeport Zone, Dingalan, Aurora, Maasin City, Leyte, Ormoc City, Leyte, Calbayog City, Samar at Mati, Davao Oriental.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, dahil sa pag-alis ng testing requirements mas magiging maluwag na ang biyahe ng mga fully vaccinated visitors lalo na ngayong holiday season.

Gayunman pinayuhan ng kalihim ang mga turista na patuloy na sumunod sa minimum health and safety protocols sa pagbiyahe.

Facebook Comments