Updated! Victory Liner Bus, Nawalan ng Kontrol!

Baguio City, Philippines – Dakong alas dose ng hapon, Enero 22 taong kasalukuyan ng mawalan ng kontrol ang isang Victory Liner Bus sa kahabaan ng Poyopoy,Marcos Highway.

Paakyat na sana ng Baguio City ang naturang bus ng bigla nalamang itong huminto at nadulas sa di umano’y kadahilanang pagtagas ng langis.

Sa insidenteng ito, dalawa ang nasawian ng buhay. Sawi sa insidente si Melba Suarez na isa sa mga pasehero at si Joseph Ryane Mesana na konductor ng bus.


Samantala, patuloy ang pag-iimbistiga sa naturang insidente kasama na rito ang ang driver ng naturang bus.

Facebook Comments