Updates kaugnay ng mga ipinapatupad na programa at proyekto sa ARMM, tinalakay sa cabinet meeting!

Sa ika-apat na pagkakataong pakikipagpulong ni ARMM Gov. Mujiv S. Hataman sa kanyang gabinete ngayong taon, tinalakay ang updates sa mga ipinatutupad na mga programa at proyekto ng gobyerno sa rehiyon.
Sa pulong ay iniulat ng bawat regional line agency ang kanilang accomplishments sa unang bahagi ng taon.
Kabilang din sa pinag-usapan ang updates sa Gross Regional Domestic Product (GRDP) estimation requirements sa ARMM na ibinigay ng Philippine Statistics Authority, Climate Change Expenditure Tagging at ang updates hinggil sa DBM Online System na ibinigay naman ng Technical Management Services (TMS) ng Office of the Regional Governor.
Samantala, iprinisenta din ni Planning and Development Office (RPDO) executive director Engr. Baintan Adil-Ampatuan ang updates kaugnay ng recovery and rehabilitation programs para sa Marawi City at iba pang karatig lugar na apektado ng kaguluhan.

Facebook Comments