UPGRADE | Pagbili ng aircraft, welcome development para sa BJMP

Welcome development para sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagbili ng aircraft na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang statement, sinabi ni BJMP Spokesperson Jail Senior Inspector Xavier Solda na binibigyan nila ng halaga ang concern ng Pangulo lalo na sa pag-upgrade sa logistics capability ng jail management bureau.

Ang pagsuporta aniya ng Pangulo para mapalakas at mapalawak ang BJMP ay nagbigay sa kanila ng inspirasyon upang maihatid ang pinakamahusay na uri ng serbisyo sa mga tao.


Sa kanyang talumpati sa Camp Vicente Lim sa Calamba , Laguna kasabay ng turnover ng 250 transport vehicles sa BJMP, binanggit ng Pangulo ang planong pagbili ng aircraft para sa kagawaran.

Gagamitin aniya ito para ligtas na mai-transport ang mga high-value inmates lalo na sa Visayas at Mindanao.

Nakikita kasi ng Pangulo ang panganib na kinakaharap ng mga jail personnel sa pagbiyahe ng mga detainees at bilanggo.

Facebook Comments