UPGRADE | PDEA, isinasailalim sa isang linggong pagsasanay ang mga operating units nito sa paggamit ng mga bago at modernong kagamitan

Manila, Philippines – Sumasailalim ngayon sa isang linggong pagsasanay ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa paggamit ng mga bago at modernong kagamitan na binili kamakailan.

Kabilang sa mga bagong kagamitan ng PDEA na gagamitin sa mas pinaigting na war ay 100 na piraso ng body cameras, mga bagong digital forensic equipment at 166 na handheld radios.

Sasanayin din ang mga PDEA agents sa paggamit ng nasa dalawampung pirasong drones na binili sa halagang 2-milyong piso.


Layunin ng training na maitaas ang antas ng kakayahan ng operating units sa alinsunod sa kanilang mga expertise.

Ang mga bagong kagamitan ay nakatakda namang ipamahagi sa mga regional offices ng PDEA.

Facebook Comments