Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na isusulong ang modernization program sa naval forces ng Pilipinas.
Ito ang sinabi ng Pangulo kasabay ng commissioning ceremony ng BRP Antonio Luna.
Ang bagong barko ay ipinangalan sa batang Pilipinong heneral na lumaban sa mga Kastila at Amerikanong mananakop noong 19th Century.
Ang BRP Antionio Luna ang pangalawang two missile-capable frigates na nakuha ng Philippine Navy mula sa South Korea.
Sa kanyang pre-recorded message, umaasa si Pangulong Duterte na ang katapangan at pagkamakabayan ni Gen. Luna ay magsilbing inspirasyon sa mga tauhan ng barko.
Facebook Comments