Upgrade sa sahod ng mga guro, isinusulong ng isang mambabatas

Manila, Philippines – Inihain sa Mababang Kapulungan ang isa pang panukalang batas para i-upgrade ang minimum salary ng lahat ng mga public school teachers sa bansa.

Sa House Bill 643 na inihain ni Parañaque Representative Joy Myra Tambunting, mula sa Salary Grade 11 o P20, 754 na minimum na sweldo ay itataas ang minimum salary sa Salary Grade 15 o P30, 531.

Layunin ng panukala na mabigyan ng maayos na pamumuhay ang mga guro at kanilang pamilya at mahikayat na manatili sa bansa ang mga guro sa halip na magturo sa abroad.


Bukod dito ay posibleng makumbinsi din ang mga graduates mula sa mga top universities at colleges na ituloy ang propesyon ng pagtuturo.

Ang minimum salary na ibibigay sa mga guro ay ipapantay sa ibang mga trabaho na may kaparehong qualifications, training at abilities.

Ang kasalukuyang entry-level na sahod ng mga guro ay nasa P18,549 lamang na hindi sapat para tugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Facebook Comments