Upper-middle income status ng Pilipinas, tiniyak na maabot na ngayong taon —Palasyo

Kumpiyansa ang Malacañang na makakamit ng Pilipinas ang upper-middle income status ngayong taon.

Kasunod ito ng ulat na $26 na lamang ang kulang sa per capita income ng bansa para maabot ang global threshold.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, malinaw na patunay ito na gumagana ang mga reporma at programang pang-ekonomiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng bansa.

Pero sabi ni Castro, makukumpirma lamang ito sa July 2026 kapag inilabas na ang susunod na assessment ng World Bank.

Matatandaang mismong mga economic managers ng Pangulo ang unang nagsabing tiyak ang pag-akyat ng Pilipinas sa upper-middle income bracket sa taong ito.

Kapag tuluyang naabot ang status na ito, makikinabang ang bansa sa mas malawak na access sa international markets, mas matatag na ekonomiya, at mas pinalakas na paglago ng ekonomiya, mga benepisyong inaasahang makakatulong sa mas maraming Pilipino.

Facebook Comments