Upper Wawa Dam, makakatulong sa problema sa suplay ng tubig sa NCR ayon kay PBBM

Magiging solusyon sa problema sa water shortage sa Metro Manila at mga karatig lugar ang Upper Wawa Dam sa Rodriguez, Rizal.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbubukas ng naturang proyekto ngayong araw.

Ayon sa Pangulo, dahil hindi na kaya ng Angat Dam na matugunan ang pangangailangan ng labing-apat na milyong residente ay kailangan na ang Upper Wawa Dam, na pinaka-malaking source o pagkukunan ng tubig sa susunod na 50 taon.


Kapag nakumpleto aniya ang Phase 2 ng Wawa bulk water supply project ay inaasahang mapatataas nito sa 438 million liters mula sa 80 million liters kada araw ang suplay, at maaari pa itong umabot sa 710 million liters.

Makatutulong din ito sa climate resilience ng bansa kung saan mapo-protektahan nito ang mga kalapit na komunidad mula sa pagbaha at epekto ng tagtuyot.

Facebook Comments