Manila, Philippines – Isinusulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang upskilling ng mga manggagawa sa industriya ng Business Process Outsourcing o BPO.
Ito ay matapos lumabas sa pag-aaral ng Asian Institute of Management na nasa 70% o 800,000 BPO workers ang inaasahang mawawalan ng trabaho dahil sa automation.
Ayon kay DOLE Assistant Secretary Benjo Benavidez – nagsasagawa ng reskill ang gobyerno sa mga manggagawa para makapag-adjust o adapt sa pagbabago ng mga trabaho.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kagawaran sa mga BPO company para tiyaking hindi naaabuso ang karapatan ng mga empleyado.
Dapat ding patuloy ang paglalagay ng mga tao bilang sentro sa labor and employment sa gitna ng mga pagbabago sa mundo ng paggawa.
Facebook Comments