‘Urban agri revolution’ swak sa panahon

Sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa, ang isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng publiko ay ang food security habang nasa community quarantines ang iba’t ibang lugar sa bansa.

At bunsod nito, nagsulong ang Police Security and Protection Group (PSPG) Advisory Council, sa pangunguna ni Dr. Reghis Romero II (RII), ng isang proyektong layon ay makatulong sa pamahalaan tungo sa food security ng mga mamamayan.

Ang proyektong inilunsad ay nagtutulak sa pagtatanim ng mga gulay sa anumang available ng lupa ng bawat bahay para sa isang sustainable agriculture at matupad ang layunin ni Romero na mapangalagaan ang kalikasan.


Layon pa ng proyekto na magkaroon ng maayos at malinis na supply ng agricultural products ito ay upang mapalaganap ang agricultural production sa mga urban at peri-urban areas na nakabase sa “Joy of Urban Farming” (JFP) program ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ang PSPG ay binubuo ng mahigit 2,000 personnel na nagpapalaganap ng urban farms sa kanilang mga bahay na maari ring pagkakitaan at magbigay ng karagdagang food security para sa kanilang pamilya.

Ito ay karagdagan pa sa 21 PSPG facilities na nasa Malacanang grounds, sa Camp Crame, Batasang Pambansa, Intramuros at sa iba pang satellite offices sa Pilipinas.

Sa pangunguna rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Quezon City Mayor’s Office, nagbibigay sila ng mga lectures at namamahagi ng mga seedlings ng iba’t ibang gulay na maaring itanim sa mga recycled containers.

Sa nakaraang dalawang buwan, umani na ang PSPG ng mga kamatis, okra, kalabasa, talong, kangkong, paminta, ampalaya at sitaw sa kanilang mga bakuran at dahil sa suporta ng PSPG Advisory Council, target nila na matupad ang layunin ng JFP sa 2022.

Facebook Comments