URBAN AGRICULTURE PROJECT, IPINAGKALOOB NG DA REGION 2 SA LGU TUGUEGARAO

Ipinasakamay ng Department of Agriculture Region 2 ang Urban Agriculture Project sa LGU Tuguegarao City kasabay ng project turn over ceremony na ginanap sa Integrated Demo Farm and Training Center sa lungsod.

Nagkakahalaga naman ng tatlong milyon piso ang halaga ng proyekto sa ilalim ng Bayanihan To Recover as One Act.

Ipinaliwanag naman ni Regional Technical Director for Operations and Extension Roberto Busania kung paano makakatulong ang proyekto sa mga residente na nasa urban areas sa kabila ng nasa agricultural lands lamang maaaring gawin ang pagtatanim.

Magkatuwang ang ahensya at lokal na pamahalaan upang maging makatotohanan ang paggamit ng lupang pagtataniman at mapalakas ang food production.

Samantala, tinanggap naman ng LGU ang 12,500 fruit-bearing trees seedlings mula sa kagawaran ng pagsasaka.

Facebook Comments