Pormal nang inilunsad ng Pasay City Government at ng Department of Science and Technology (DOST) ang urban farming program na layong palakasin ang food security sa bawat barangay.
Ayon kay Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano, daan-daang residente ng lungsod ang mabibiyayaan ng programa sa tulong din ng Pasay City Cooperative Office.
Partikular na inilunsad ng DOST ang “Gulayan sa Pamayanan” sa Barangay 193 sa Pasay malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa ilalim ng nasabing programa, tuturuan ang mga residente sa pagtatanim ng mga masustansyang gulay na madaling anihin sa loob ng isang buwan tulad ng pechay, mustasa at kamatis.
Tururuan din silang magtanim ng herbal plants tulad ng oregano na panlunas sa ubo at sipon.
Facebook Comments