Urban Farming Project ng Philippine Air Force sa Cauayan City Isabela, Isinagawa!

*Cauayan City, Isabela- *Napili ng Philippine Air Force ang Nagrumbuan Elementary School sa Cauayan City na isagawa ang kanilang urban farming project o demo farm ng rice production sa pangunguna ng PAF intervention and re-service team one.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay PAF Technical Sergeant Cyrin Mendoza, layunin ng kanilang proyekto na mapaganda ang produksyon ng palay ng mga magsasaka sa Nagrumbuan at makatulong na rin sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

Patuloy rin na susubaybayan ng team 1 ang nasabing proyekto hanggang sa anihan kung saan ay nakatuwang nila ang iba’t-ibang mga ahensya gaya ng Department of Agriculture na pinagmulan ng kanilang binhing palay, abono at iba pa.


Ayon pa kay Sergeant Mendoza, may limang grupo ang PAF re-service team katuwang ang Tactical Operations Group (TOG) 2 na mamamahala sa kanilang susunod na proyekto hinggil sa propagation ng mga vegetable seedlings na gagawin din sa nasabing paaralan at ipapamigay naman sa West Tanap ng Cauayan City.

Giit naman ni Sergeant Teodolfo Foronda, ang team leader ng PAF re-service na ang kanilang proyekto ay hindi lamang sa panghimpapawid dahil tumutulong rin sila sa pagbubukid upang makatulong sa mga Kabataan o mag-aaral.

Malaki naman ang pasasalamat ni Principal Maryfe Lacambra ng Nagrumbuan Elem. School sa naturang proyekto dahil sa malaking tulong na naimbag sa kanilang eskwelahan para sa kanilang feeding program at iba pang proyekto para sa mga mag-aaral.

Facebook Comments