Urban Vegetable Garden, ilulunsad na rin sa Barangay Bagong Silangan, QC ng DAR

Oobligahin na rin ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga residente sa Barangay Bagong Silangan sa Quezon City na subukan ang Urban Vegetable Garden sa kanilang lugar.

Sa tulong ng Department of Agriculture (DA), BREAD Society International at Barangay Silangan, ilulunsad na sa Biyernes ang “Buhay sa Gulay Project ” sa New Greenland Farm sa nasabing Barangay.

Nag-donate ang Quezon City Government ng pitong ektaryang lote na pagtatamnan ng gulay sa lugar.


Ayon sa DAR, mga residente ng mga nakapalibot na barangay ang unang makikinabang sa programa.

Una nang inilunsad ng DAR ang Urban Vegetable Garden Project sa St. John Bosco sa Tondo, Manila.

Noong Linggo, isinagawa na ang unang harvest sa pananim at nakapagbenta ang mga residente ng P50,000 sa mahigit 1,000 kilong aning gulay.

Pagtiyak pa ng DAR na sunod nilang ilulunsad ang proyekto sa Caloocan City.

Facebook Comments